Lakas ng trip ng kapatid ko .. Sa totoo lang nasusuka ako at nahihilo ako sa mga oras na yan, medyo nag-ayos lang ako ng konti .. hahah .. tsaka ayoko talaga ang navivideo ako .. lol! Papunta kame nyan sa Birmingham (July 27), sobrang init tapos wala pang aircon sa sasakyan namin, kumbaga hangin lang binubuga. Tapos pagdating namin sa Birmingham akala ko mas malamig keysa dito sa London e mas mainit pa yata. Nagkaroon kase ng UK Wide Grand Evangelical Mission ang INC kaya pumunta kame. Kumanta pa ung mga galing sa pinas na UP SINGING AMBASSADORS, ang gagaling talaga nila, ganda ng boses. Hinintay ko pa silang kumanta talaga kahit sobrang init sa hall, wala pa akong tubig, wala akong pamaypay, nagugutom ako at sakit ng paa ko sa kakatayo pero tiniis ko un para makuhanan ko sila ng video, konti lang nakuha ko ginamit ko ung mobile phone ko, kaya hindi maliwanag at nanginginig talaga ung kamay ko (siguro sa init at gutom na un) hahaha ..
Jul 28 2008
∞